Search This Blog

Saturday, May 21, 2011

Top Celebrity Endorser

Anne Curtis is the latest endorser of SMDC, among other products under her belt, and we all wonder what makes her the perfect endorser? Other artist may have a lot of billboard in EDSA but Anne dominates the road of EDSA. Having her billboards not just stationary but it travels along the road, a lot of the products she endorse are posted at the back of different buses. She is literally everywhere.

As per Abante, see top endorser in the Philippines below. 

Dalawampu’t tatlong pangalang base na rin sa kanilang visibility sa mga tri-media advertising campaigns ay maituturing na top celebrity endorsers ng bansa sa kasalukuyan.

KRIS AQUINO

Hindi na kailangan ng opisyal na listahan para patunayang among our local stars, the Queen of All Media is still on top kung bilang ng mga product endorsements ang pag-uusapan. The mere fact na in almost every gap ng mga programa sa telebisyon ay umiere ang kanyang mga commercials ay nangangahulugang she’s regarded most effective in bringing products to the awareness of the consumers.

SHARON CUNETA

Always visible ang Megastar sa kanyang mga commercials may TV show man siya o wala. Ibig sabihin, nasa kamalayan siya ng masang Pilipino at laging big deal everytime na ma-associate ang kanyang pangalan sa isang produkto. Given na ito dahil sa kanya na rin nanggaling na hindi naman siya basta tumatanggap lang ng endorsement, and instead ay namimili siya dahil aniya’y bahagi ng kanyang kredibilidad ang totohanan niyang pagtangkilik sa mga produktong iniendorso niya.

MANNY PACQUIAO

Bago pa man ang pakikipagbakbakan ng nag-iisang People’s Champ sa Las Vegas against Shane Mosley kahapon ay pumutok na ang balita hinggil sa pinakabago niyang mga endorsement deals not just here but in the US. Patunay lamang ito ng patuloy na pag-angat ng kanyang status bilang international athlete and celebrity. In our local grounds ay aware tayo sa napakarami na niyang product endorsement na siguradong bubuhos pa sa mga darating na araw.

ROBIN PADILLA

Marahil ay ang kakaibang machismo at mass appeal na taglay ng binansagang Bad Boy of Philippine movies ang dahilan kung bakit hindi lang sa pagiging action star siya klik sa masa kundi sa pagiging endorser din. Sa dami ng ad campaign at advocacies na pinangunahan niya all these years, it only shows na sa mundo ng adverti*sing, Robin Padilla has never been a bad name.

VIC SOTTO

Pak na pak as in fullpacked ang mga product endorsements ng nag-iisang bossing na si Vic Sotto. Sa mahigit tatlong dekadang hosting stint sa longest running noontime show na Eat Bulaga, hindi na rin mabilang ang mga produktong pinromote at ipinakilala niya sa publiko and yet masasabing habang tumatagal ay lalo pa siyang pinagtitiwalaan kaya naman among his contemporaries ay pinaka-visible siya sa mga commercials at this point in time.

JUDY ANN SANTOS

Inabangan ng masang Pilipino sa iba’t ibang teleserye na kanyang ginawa, ngayo’y patuloy siyang tinututukan ng kanyang mga fans sa teleserye ng totoo niyang buhay. Ganyan si Ms. Judy Ann Santos-Agoncillo dahil kahit man lang sa TV commercials ay pinananabikan siyang mapanood habang abala siya sa bago niyang role bilang asawa at nanay.

AI AI DELAS ALAS

Madaling maka-identify ang publiko sa tinaguriang Comedy Concert Queen dahil sa mga pelikulang may kinalaman sa pagiging ina na nagluklok sa kanya twice bilang Box Office Queen. Pamatay na mga punchlines, agaw-eksenang costumes at pagiging ‘nanay na nanay’ sa kanyang mga anak – alin man sa mga ito o lahat ng ito, posibleng dahilan kung bakit belong siya sa listahang ito.

AGA MUHLACH

Starting out still a bachelor in endorsing Jollibee until this day kasama na ang kanyang twins ay hindi matatawarang patunay how much the company trusted him all these years. Masayang pamilya at matatag na katayuan sa industriya, ito marahil ang sikreto kung bakit may pambihirang ngiti sa bawat commercials niya.

SARAH GERONIMO

Bentahe ng Popstar Princess ang kanyang huge fanbase kaya naman paborito siyang kuning endorser. Infact sa huling anim na buwan ng sirkulasyon ng Abante, si Sarah ang pinakamaraming beses na natunghayan ng mga readers sa kanyang mga print ad campaigns.
ANNE CURTIS

What keeps Anne Curtis beautiful? Kung iisa-isahin marahil ang mga produktong iniendorso ng Showtime host and Greenrose star ay makukuha mo ang sagot dahil si Anne na yata ang literally may inien*dorsong mga produkto na ginagamit from head to toe.


KIM CHIU

Mula sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa kanyang paglabas ay patuloy na sinusubaybayan ang upcoming ‘Binondo Girl’ at primetime teleserye princess ng Kapamilya network kaya naman sunud-sunod din ang endorsement offers sa kanya. Hindi naman nakapagtataka dahil masasabi ring siya ang produkto ng reality TV show na may pinakabonggang showbiz career sa ngayon.

ANGEL LOCSIN

It seems na apple of the eye hindi lang ng football athelete na si Phil Younghusband kundi maging ng mga adverti*sers ang two-time sexiest ng FHM poll dahil sa patuloy na pagdating ng mga endorsement offers sa kanya. Isa rin siya sa mga artistang hindi binibitawan ng sariling hukbo ng mga followers dahil mapa-TV show, pelikula and even texting polls ay sinusuportahan siya.

PIOLO PASCUAL

Piolo will not be the Ultimate heartthrob for nothing dahil kung followers din lang ang pag-uusapan ay laganap ito, dito man o maging sa ibang bansa. Very professional and passionate sa lahat ng kanyang mga ginagawa, hindi nakapagtatakang siya rin ang dream leading man hindi lang ng mga baguhan kundi maging ng mga sikat nang female stars.

MARIAN RIVERA

The hottest Kapuso star is also one of the most sought-after product endorsers in the Philippines. Taglay ang mukhang hindi puwedeng dedmahin ihalo man sa karamihan, hindi lang siya mukhang artista, hers is a face na sadyang pang-commercial pa.

KC CONCEPCION

She could be the Megastar’s heir apparent pagdating sa mga endorsement. No, not necessarily of the product brands na iniendorso ng kanyang megamom in her younger years kundi dahil taglay rin ni KC ang mga qualities bilang ideal product endorser of this generation.

JOHN LLOYD CRUZ

Best-remembered for his love-struck characters sa mga pelikulang nagluklok sa kanya bilang three-time Box Office King, Lloydie is definitely here and there to influence the consumers. Kung nagagawang i-memorize ng kanyang mga tagapanood ang mga nakaka*kilig niyang linya sa mga pelikula, bakit naman hindi ang mga produktong iniendorso niya.

DINGDONG DANTES

Maliban sa pagiging hottest leading man sa bakuran ng Kapuso Network, Dingdong takes on the responsibility as the founding Chair of Yes Pinoy Foundation na ang major objective ay makatulong sa mga less fortunate children. Kaya naman kung anuman ang mga blessings na naibibigay ng mga product endorsements niya, sigu*radong naisi-share din niya sa iba.

JERICHO ROSALES

Mr. Pogi is really back dahil pagkatapos ng sandaling panlalamig ng kanyang career ay muli niya tayong pinainit sa back-to-back na te*leseryeng Dahil May Isang Ikaw at ng palabas pa ring local adaptation ng Koreanovelang Greenrose. And with his chart-topping single Bumuhos Man Ang Ulan’, kasabay na bumubuhos ang mga offers for him to endorse a product.

DEREK RAMSAY

Kabilang sa elusive batch of leading men na angat sa looks and acting skills, madalas na may kinalaman sa wellness and nutrition ang mga endorsement ng actor, model and Frisbee player na si Derek Ramsay. Needless to say, muscles in the right places and athletic prowess really draw attention kaya naman hindi lang sa mga movie fans and televie*wers malakas ang kanyang appeal kundi maging sa mga health buffs and fi*gure-conscious na rin.

MICHAEL V.

Very effective for what he is not, ito marahil ang edge ni Michael V hindi lang bilang endorser kundi bilang komedyante. Umaapaw na sa talento, puwedeng-puwede pang maging kahit sino depende sa hinihingi ng konsepto.

BOY ABUNDA

Full of conviction and authority, sino ang hindi bibilib once na nagsalita ang most awarded talkshow host patungkol sa iniendorso niyang produkto? But of course, beyond hosting skills ay hindi matatawaran ang kredibilidad at magandang imahe na napanatili niya sa buong panahon niya sa showbiz kaya naman pasok din siya sa listahang ito. Isang mabuting kaibigan at mapagmahal na anak, even some of the biggest names in the industry entrusted their careers to ‘Tito Boy’ dahil sa kanyang starmaking power and expertise.

RYAN AGONCILLO

Hindi lang isang magaling na TV host, seems like being a husband to Judy Ann Santos and a father to Yohan and Baby Luchio are added points para mas maging indemand pa bilang product endorser ang isang smart-charmer at family man by the name of Ryan.

GERALD ANDERSON

Not to be left out is the other half of the famous Kimerald loveteam dahil aside from their numerous endorsement together ay may mga iniendorso ring produkto si Gerald on his own. Sa katunayan, sa kanyang mga latest TV commercials ay napapanood siya minus Kim Chiu.

4 comments: